Sit and Pretend.. Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com
let's get down and funkay!

They're just FunKaY_

-put your links, tag board, and other relevant stuff here. pleaseeeee leave my link yea? and the link where i got the image from. thankies. =))

September 2009 October 2009 November 2009 December 2009


--------------
Design by
izy.
image by: nick.com

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com

Wednesday, September 16, 2009

So buong araw nasa UP Diliman kami. Wala kaming inatendan na classes kanina. So from 8am to 7pm nasa UP na kami. Kahit super tagal talaga (11 hours), super productive naman at super saya. Daming first time. Super kakaiba ung experience kanina. Bago pala ako magkwento, ung seminar was about Civil Engineering Seminar. They were trying to convince us to take CE on College. So game!

Ang dami namin: Ayra, Paul, Carmela, Anne, Dyan, Isley, Clifford, Ralph, Raffy, Majoy, Kevin, Grace, Gillea, Yosa. Hndi kami sumabay sa sasakyan nina Tita Olga. Mas ginusto pa namin magcommute. So there. Super roadtrip kami. Kunyari mga tour guide kami. Feeler eh. Anubaaa! Then nadaanan nmin yung way na dinaanan namin nung pumunta kami sa Claret nung Paligsaya last year. Hayy, bigla kong namiss yun. Brings back memories nga naman.

Actually, halos lahat kami first time na makakapasok sa UP campus eh. So there. Pagkadating namin, totoo nga pala ung sinabi nilang super laki. Gaddd! Super kelangan talaga ng jeep sa loob ng campus. Ang laki ng mga domains. Then mga pangalan nung daanan, mga avenue na! Grabe! Super daming buildings corresponding sa course. basta wala akong masabi! Super laki! =)))

Then, naglakad pa kami ng super layo kasi nag-iba ng venue yung seminar. So pagkadating namin sa Auditorium nung certain hall na yun, super nagulat ako kasi pinapanuod nila yung WANTED by Angelina Jolie. Ang astig! hahaah.

Then seminar proper na nga. First speaker si ate (basta matalino sya). Natuwa ako sa mga pinagsasabi nya.. Like, "Daig ng matalino ang masipag" Ohaaa.. Ang ewan ni ate. Anudaw.

Tapos nagperform ng intermission number ung UP Prepertory Company, ang mga performers daw talaga ng UP. So grabe! Ang galing nila! Super amazing. Na-elibs ako dun! Damn it.

Then next yung lunch namin. 11am-1pm. Super libre ang food. Nagbaon pa naman ako. So super dami talaga ng food. So yung sinerve nila, chicken terriyaki with toge (oh klang! alam ko fave mo yan. hahaha) and super macaroons. Hangsarap. Tapos nagshare kami ng mga baons namin. Like, beef tapa, chicken inasal, and shanghai. Super kain eh. Astig.

Mga 1:30pm, nagstart na yung tour namin. Pumunta kami sa Melchor Hall. Part yun ng mga civil engineers. Dito ang dami kong natutunan. Super namangha naman daw ako sa mga gadgets dun. Super amzing eh. There: hydrolics jump, luminar and turbulent thing, air and pressure bla bla, bending of metals, compression of concrete ang many MORE

Then bago kami bumalik sa Audi, super nagfree ride kami sa ELECTRIC JEEP. Grabe! Super first time ko makasakay! Hangsaya. Sobrang sarap sa feeling eh. Parang ung pakiramadam mo nakaupo ka lang. Super smooth talaga ng trip na yun. Super calm sa feeling. Two thumbs up. =))

Then nagstay pa kami hanggang 7pm. Super tagal pero ang saya talaga. At natuwa ako dahil may certificate of participation. Namiss ko tuloy ang Berze. Kahit kalahati lang sila nagklase nun. 16 excused samin ngayon! ung iba sa math contest, china bla bla, spreadSHIT contest and more.

At natuwa naman ako. Kasi nung one time, nagpakaloner ako sa isang side kanina. Kasi medyo masama ang aking pakiramdam. Grabe. Bigla syang lumapit. Natuwa ako eh. Bakita ba? =))

Then pauwi na. Roadtrip ulit. Sumabay na ako kina Tita Olga. Super siksikan kami. Super kinandong ko si Majoy. At super ang bigat nya. Hahaha. Tinatamad na ako. Basta super saya!

There. That ends my post. =))

(After out seminar, hndi pa rin ako magtatake ng civil engineering...)

Eldie Villeno
whooo
6:18 AM peee____

--------


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com